

Tapos na ang wax figure ng Kapamilya actress and “It’s Showtime” host na si Anne Curtis.
Si Anne mismo ang nag-unveil ng kanyang wax figure ng Madame Tussauds Hong Kong.
Puring-puri naman ng netizens ang wax figure na ginawa sa kanya.
“Great job! Perfect ang pagkagawa. Which is which?”
“Wow parang realistic Gorgeous dyosa Ms Anne Curtis.gayang gaya yung wax figure.”
“Ang ganda kopyang kopya. Yung naka black ang tunay.”
“sana marami pang Pinoy celebrities ang magkaroon din ng wax figure sa Madame Tussauds. Marami tayo ditong matatawag na icons na deserved na magkaroon din ng ganyan parang sa Hollywood.”
***
Bakit agad tinanggap ni Aga Muhlach ang movie with Vilma Santos?
Matapos ang tatlong dekada ay ngayon lang nagkasamang muli sina Aga Muhlach at Vilma Santos.
Magkasama sila sa “Uninvited,” one of the official entries in this year’s Metro Manila Film Festival.
Nang matanong kung bakit ngayon lang sila nagkasamang muli ay ito ang sagot ni Aga: “How can you just say no?”
Inamin ng aktor na after two movies in the past ay naging close sila at naging magkaibigan ni Ate Vi.
“Nakakausap ko siya parati. We’re good friends,” sat ng premyadong aktor.
Itsinika niya na sa telephone conversation nila ni Ate Vi niya nalaman na may movie silang pagsasamahan.
“Gagawin mo ba ito? Tuloy ba ito?’ Sabi niya, ‘yes’. ‘Agaton, gawin mo ‘to, ha.’ Hindi na niya kailangang magsalita pa,” say ni Aga.
“I was just waiting for this time. Kumbaga,, it comes in threes,” say pa ng aktor na naunang nakatrabaho si Ate Vi sa “Nag-iisang Bituin” at “Sinungaling Mong Puso.”