
Mukhang taon ni Barbie Imperial ang 2024 dahil humahataw ang kanyang acting career.
Waging-wagi si Barbie bilang si Tisay sa Batang Quiapo. Lagi niyang kaeksena ang bidang si Coco Martin bilang Tanggol. May moment talaga sila together lalo pa’t ninakaw ni Tisay ang mga luxury cars na pag-aari ni Tanggol.
Kabilang din pala si Barbie sa cast ng Incognito na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Anthony Jennings, Maris Racal at Ian Veneracion. Kasama siya na nag-taping sa Italy last month.
Puring-puri rin si Barbie sa katatapos na Christmas party ng Star Magic. Diyosang-diyosa ang peg niya bilang Ice Queen. Talagang nagpasabog siya ng kagandahan at kaseksihan sa kanyang costume.
Sa love life naman, hindi na magiging malamig ang Pasko ni Barbie dahil obvious naman na happy siya sa piling ni Richard Gutierrez.