

Finally, natanong na rin si Maris Racal about sa twinning shoes nila ni Anthony Jennings.
Nakunan ng photo ang dalawa na magkatabi habang nakaupo sa couch during a break sa Incognito taping sa Italy. Dito napansin ng netizens ang pagkakapareho nila ng suot na sapatos ni Anthony kaya naman instalation ng marami na magdyowa na
sila.
“Actually, nagkataon lang na same kami ng shoes. Natawa na lang ako sa nangyari kasi nagkataon lang talaga na yun yung sapatos ko,” say ni Maris sa isang interview.
“Matagal na akong may ganoong sapatos, three years ago na or two. Nagkasabay lang talaga,” dagdag pa niya.
***
Finally, nagsalita na rin ang basketball player na si Kobe Paras tungkol sa relationship status nila ni Kyline Alcantara.
Sa isang exclusive interview with Cosmopolitan Philippines na ipinalabas sa YouTube channel ng masabinh online magazine, natanong si Kobe nito: “Who is your biggest celebrity crush?”
Agad-agad naman ang sagot ni Kobe: “Kyline Alcantara... Because we are dating!”
Ilang beses nang nakitang magkasama ang dalawa sa mga lakaran. Nag-umpisa ang chikang may romantic something sa kanila nang mapansin ng netizens ang pagkakatulad ng posts nila sa Instagram.
Umingay pa lalo ang chikang dyowa na ni Kobe si Kyline nang itsika ni Lolit Solis ang kanyang encounter kay Kobe.
Nagmahadera kasi itong si Lolit at sinabihan si Kobe na pumili ng girlfriend na kasing level niba Kris Aquino o kaya ay Sharon Cuneta.
Halatang napikon si Kobe sa sinabi ni Lolit kaya naman tinarayan niya ito.
“Please, walang bastusan. Kyline is my girlfriend,” say niya.