
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Sa ulat ng isang pahayagan, tinatayang P460 bilyon ang nawala sa mga mamamayan sa nakalipas na 12 buwan dahil sila’y nagoyo ng mga online scammers. Talamak ang panloloko o panlilinlang ng mga kapwa natin Pilipino at mga dayuhang switik dahil na rin sa teknolohiya. Lahat halos tayo ay may cellphone na siyang ginagamit ng mga scammer.
Ayon pa sa ulat, kakaunti lamang sa mga naloko ang nabawi ang tinangay na pera sa kanila. Karamihan ay nagtangkang habulin ang mga nagnakaw sa kanilang pera ngunit sila’y bigo, dagdag pa ng ulat.
Karamihan sa mga scam ay mga link na tinetext sa mga biktima. Inaaakit ang na-text na i-klik ang link upang bumukas ang isang pekeng website kung saan makukuha ng mga manloloko ang umano’y panalo sa loterya o para makakuha ng trabaho. Pero doon nanakawin ng mga scammer ang mga detalye ng bank account o e-wallet ng biktima.
Sa website ng mga scammer, ipalalagay sa biktima ang kanilang bank account number, password, pin at log-in name. Pagkakuha sa mga ito, sila na ang magbubukas ng account upang limasin ang lamang pera nito.
Masaklap rito hindi lamang ang pagkawala ng malaking halaga ng pera kundi dahil kababayan mismo ang kumukuha ng mga personal na impormasyon ng mga biktima.
Upang maiwasan ang online scam, dapat pigilin ng mga tao ang sarili nila na maniwal sa mga offer ng mga scammer, tulad ng trabahong mataas ang sweldo o premyong salapi. Dapat nilang huwag itong paniwalaan at huwag i-klik ang mga kaduda-dudang alok.
Ang laki ng halagang nanakaw ng mga scammer ay nagpapahiwatig rin ng kakulangan ng mga pulis sa paghuli sa mga magnanakaw, pagbawi ng ninakaw, at pagpigil sa pambibiktima ng mga nagtitinda sa online.
Sa kakulangan ng tulong mula sa kapulisan, dapat na iwasan na lamang ng mga tao na mag-klik ng mga kaduda-dudang link sa mga text o mensahe sa messenger. Kung sila man ay nag-klik at pumunta sa pekeng website, dapat ay huwag silang maglalagay ng sensitibong impormasyon sa mga portal upang hindi malimas ang kanilang salapi o laman ng bank account.