Butas na kaban ng bayan


Ipinagmamalaki ng Kawanihan ng Rentas Internas (BIR) ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa batas na nagpapataw ng 12 porsyentong buwis sa mga dayuhang nagbibigay ng serbisyong digital sa bansa, kasama na ang mga online marketplaces at nagtitinda ng subscription para makapanood ng pelikula at makapakinig ng musika.
Sinasabi ng ahensya na tinatayang P105 bilyon ang malilikom nitong dagdag na pondo sa mga nasabing negosyo na tinatangkilik ng milyun-milyong Pilipino. Bagaman ito ay nakakatuwa dahil magkakaroon ng pondo para makapagbigay ng mas maraming serbisyong panlipunan sa mas maraming mamamayan, hindi nakakatuwa na ngayon lamang ito maghahabol sa mga dayuhang kumpanya.
Matagal nang tumatakbo ang mga dayuhang digital service providers (DSP), bakit ngayon lamang sila sisingilin ng buwis. Tanging mga lokal na DSP ang sinisingil ng buwis ng BIR. Hindi naging patas ang BIR.
Kung susumahin, malaki ang nawala sa BIR dahil hindi naman nila nasingil ang mga DSP na tulad ng Netflix at Spotify na kumubra na ng milyun-milyong pisong kita mula sa milyun-milyong Pilipino na tumatangkilik sa kanilang mga pelikula at musika.
Kung noon pa ay may P105 bilyon taun-taon ang kaban ng bayan mula sa nakolektang buwis sa mga nasabing dayuhang kumpanya, maraming mamamayang nangangailangan ang natulungan marahil. Ang nangyari ay butas ang kaban ng bayan dahil sa nakaiwas ang mga naturang kumpanya na magbayad ng buwis.
Isa sa mga hamong kinakaharap ng BIR ay ang mahinang koleksyon nito. Alam dapat nito ang saklaw ng buwis o mga dapat buwisan at hindi iyong ngayon lamang ito magbubuwis sa mga dapat buwisan. Unfair ika nga ito sa mga nabubuwisan.
Ang susunod na tanong ay magbabayad kaya ng buwis ang mga DSP na ang mga may-ari ay nasa ibang bansa? Paano masisingil ng BIR ang mga dayuhang kumpanya?
Kung magbabayad naman ng buwis ang mga dayuhang DSP, ipapasa ba nila ang ginastos dito sa mga parokyano nila? Magtataas ba sila ng bayad sa subscription at kung oo, magkano ang itataas ng presyo nila?
A director and filmmaker from Toronto, Canada has finally learned why he had a green spot on his left earlobe.
Cesar E.A. Virata, prime minister during the Ferdinand Marcos Sr. administration and one of the country’s…
A spokesperson for Senator Loren Legarda said the veteran senator may be talking with some colleagues to pave the way…