
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Ang star witness sa imbestigasyon ng Kamara ng umano’y mga ilegal na negosyong POGO sa Pampanga ay ipinakulong ng mga kongresista sa Correctional Institute for Women sa siyudad ng Mandaluyong dahil sa pagsisinungaling sa pagdidinig nila sa kaso.
Ayon sa mga mambabatas na dumidinig sa kaso upang malaman ang mga nasa likod ng pagtatayo at pagpapatakbo ng mga negosyong offshore gaming, na ipinagbawal na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagsisinungaling si Cassandra Ong nang sabihin niyang hindi niya alam kung nagtapos siya ng Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education.
Ang ALS ay isang programa ng DepEd kung saan ang mga natigil sa pag-aaral ay makapagpapatuloy mag-aral upang makatapos ng sekundarya at makapagkolehiyo. Karaniwang kumukuha ng ALS ang mga kabataan na mula sa mahihirap na pamilya at nag-aaral sila sa paaralang malapit sa kanilang tirahan.
Sa testimonya ni Ong sa komiteng nag-iimbestiga sa kanyang kaugnayan sa mga kumpanya ng POGO na pag-aari ng mga Intsik, sinabi niyang hindi niya maalala kung saang paaralan siya nag-aral ng ALS.
Mahirap nga naman paniwalaan na hindi maalala ng isang estudyante kung saan siya nag-aral.
Totoo bang nag-ALS si Ong? Marahil masasagot ito ng DepEd na siyang nagpapatupad ng ALS at may talaan ng mga estudyanteng kumuha nito noong 2016 o 2017.
Kung nakatapos nga ng ALS si Ong, magkakaroon siya ng record sa DepEd. Ngunit hindi marahil isyu ito. Ang mas malaking isyu ay may mga Intsik bang nag-aral rin ng ALS upang magkaroon sila ng lehitimong record sa pag-aaral nila sa bansa na siyang magagamit nila sa pagkuha ng iba pang dokumento tulad ng lisenya sa pagmamaneho at trabaho.
Kung kailangang ungkatin ito, mapipilitang ipatawag ng mga mambabatas ang mga opisyal na may kinalaman sa ALS.
At sa pag-iimbestiga nito, malalaman ang mga ibang kaparaanan ng mga dayuhang Intsik sa pagkuha ng mga lehitimong dokumento ng kanilang pagkakakilanlan upang makapagnegosyo sa bansa o magkaroon ng mga dokumentong nagpapakilala sa kanila na sila ay mga Pilipino.