
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Nakaligtas ang bise alkalde ng Pidigan, Abra sa pananambang ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki kahapon ng umaga.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakaupo si Noel Menor Bisares, 56, sa loob ng kanilang tindahan ng hardware sa Barangay Pumitic, Pidigan, dakong 8:40 ng umaga. Huminto ang dalawang nakasakay ng motorsiklo sa tapat ng tindahan at pumasok sa loob ang isa sa kanila at binaril ang bise alkalde ng ilang beses.
Tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon matapos barilin si Bisares.
Nakatanggap ang local na pulisya ng tawag mula sa asawa ng biktima tungkol sa pamamaril sa kanyang mister. Sumugod ang mga tauhan ng istasyon ng pulis sa lugar ng insidente.
Ang biktima ay isinugod ng kanyang mga kapamilya sa Northside hospital sa Bantay, Ilocos Sur. Nagtamo ng mga tama ng bala sa kanang balikat at braso si Bisares.
Sinabi ng pulisya na hinala nila na ang armas na ginamit sa pamamaril sa biktima ay kalaibre 45. Nagsagawa ng paghahabol ang mga alagad ng batas para mahuli ang mga namaril. Nagpapatuloy ang mas malalim na imbestigasyon upang matukoy ang motibo ng pamamaril.