Anak ginawang sex slave, binuntis pa ng ama


Isang Lalamove driver ang inaresto ng mga pulis matapos umanong gawin niyang sex slave ang kanyang sariling anak na babae sa loob ng 13 taon at buntisin pa.
Ang pag-aresto sa ama ng 18-anyos na biktima na hindi pinangalanan ng mga pulis ay kasunod ng pagsampa ng anak ng kaso laban sa ama kasama ang kanyang ina. Hindi rin pinangalanan ang akusado.
Ayon sa biktima, huli siyang hinalay ng ama nitong Miyerkules ng gabi sa Tondo, Maynila.
Ang huling insidente ng panghahalay ay noong Agosto 18, 2024 sa ganap na 3:30 ng madaling araw sa kabila ng anim na buwan siyang buntis.
Sa reklamo, sinabi rin niyang minomolestiya siya edad na 5.
Ginagawa ng suspek ang kanyang masasamang gawain kapag ang kanyang ina ay nasa labas at nagtatrabaho.
Ayon sa biktima, nakikiusap siya sa kanyang ama na huwag siyang molestiyahin ngunit iginiit nito na payagan siya sa huling pagkakataon at pagkatapos nito ay hindi na siya magpapakita sa kanila.
Matapos tapusin ang krimen, hindi na kinaya ng biktima ang kanyang dinanas kaya isiniwalat niya ang lahat sa kanyang ina.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 8353 o Anti-Rape law ang akusado sa Manila City Prosecutors Office habang pansamantalang nakakulong.
A traditional dish called zongzi is served during China’s Dragon Boat Festival, which falls in June. It is a rice…
Divina credited the firm’s achievements to its members, thanking them for their ‘hard work, dedication, teamwork, and…
‘Sec. Vince Dizon, please explain how this finding of your own team should not be flagged as a ghost project in Taguig.’