
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Tuwing maghahalalan, galante ang mga pulitiko. Tulad ng mga pamilyang nagdiriwang ng pista, binyag o kaarawan, todo pagbabahagi sila ng biyaya sa iba bilang pagsasaya.
Iba naman ang dahilan kung bakit nagbigay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng P20 milyong pabuya kay Carlos Yulo, ang gymnast na nanalo ng dalawang gintong medalya sa katatapos na Paris Olympics. Nagbigay rin siya ng milyun-milyon pisong bonus sa iba pang pambansang atleta na nakasungkit ng medalyang bronze sampu ng kanilang mga coach.
Ang P20 milyong pabuya ni Marcos kay Yulo ay bukod pa sa P10 milyon na makukuha ng Olympian sa bawat gintong medalya ng Olympics na naiuwi niya ayon sa batas o P20 milyon. Suma total, tumataginting na P40 milyon ang biyayang tatanggapin ni Yulo sa pamahalaan dahil sa kanyang tagumpay.
Hindi naman siguro maluho si Marcos para kay Yulo bagkus ay tinumbasan lamang niya ng karapat-dapat na pabuya ang karangalan na binigay ng atleta sa bayan at sa makasaysayang panalo niya. Isang daang taon nang lumalahok ang Pilipinas sa Olympic Games ngunit ngayon lamang ito nanalo ng medalyang ginto.
Samantala, isinusulong ng pamahalaan ang P591.8 bilyong budget para sa ayuda sa mga mahihirap na pamilya at mamamayan para sa taong 2025. Sa halagang ito, P114.2 bilyon ay para sa mga nakalista sa 4P o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Bilyun-bilyong pisong ayuda rin ang nais ibigay ng pamahalaan sa mga nasa krisis, walang trabaho, at walang pangkabuhayan. Mayroon ding pondo para sa libreng kolehiyo.
Karapat-dapat lamang ang ayuda para sa mga 4P dahil ayon sa datos ng National Economic Development Authority, sila ay kumakain lamang ng halagang beinte pesos na agahan, tanghalian at hapunan. Maaaring hindi nga sila kumakain ng tatlong beses sa isang araw.
Tulad ng tinganggap ni Yulo, ang ayudang ito ay hindi naman luho ng gobyerno kundi kawanggawa. Kung ito man ay makakaimpluwensiya sa kanila na iboto ang mga kandidato ng mga nanunungkulan na tumulong sa kanila ay nasa sa kanila na iyon. Ang mahalaga ay ginagampanan ng mga namumuno ang tungkulin nilang tulungan ang mga mamamayan.