Baha-nomalya



Naglabas si Bise Presidente Sara Duterte ng pahayag kaugnay ng ikaapat na araw ng kanyang impeachment trial.
Nananatiling nangunguna ang Pilipinas bilang pangunahing tagapagsuplay ng mga seafarer sa buong mundo, ayon sa 2026…

Sinagot ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro ang pahayag ni Davao City Mayor Baste…

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…
Sa tuwing bumabaha, lumulutang ang mga basura galing sa mga imburnal o itinapon kung saan-saan ng mga iresponsable at walang malasakit na mamamayan. Bumabalik ito sa mga kabahayan kung saan ito nanggaling.
Bilyong piso ang ginagastos ng pamahalaan upang sana panatilihing malinis ang kapaligiran para sa kalusugan ng lahat. Napupunta ito sa pagpopondo ng lokal na pamahalaan sa paghahakot ng basura sa buong bayan at pagdadala sa tambakan ng basura.
Bilyun-bilyong piso rin ang ginastos para sa mga proyektong kokontrol o pipigil sana sa pagbaha sa mga lansangan. Ngunit sa pagdaan ni Bagyong Carina at paghatak nito sa habagat nitong nakaraang linggo, tila nalantad ang anomalya sa pagpopondo ng mga proyektong pipigil sa pagbaha.
Dahil lumubog muli ang maraming pamayanan at kalye sa maraming bahagi ng Luzon na sinalanta ni Carina kasabay ng matinding ulan ng habagat, lumalabas na walang ibinuga ang mga flood control kuno ng mga pabaya o tiwaling inhinyero na tungkuling pigilin ang paglubog sa baha ng siyudad.
Tulad ng mga basura, lumutang ang mga tanong na bakit hindi napigilan ang pagbaha na sumira ng mga bahay at ari-arian at kumitil ng ilang buhay?
Kung hindi umubra ang mga flood control project, bakit? Sino ang dapat managot sa pinsalang dulot ng mga baha? Saan napunta ang pondo? May nangurakot ba? Ano ang karampatang pasura sa kapabayaan?
Sobra ba ang ulan at wala sa kakayanan ng mga flood control project kaya bumaha? Hindi ba naisip ng mga inhinyero na dahil lumalala ang pagtaas ng temperature ng mundo ay mas matindi ang pag-ulan kaya dapat lamang na mas malakas ang mga pambomba ng tubig-baha?
Paulit-ulit na lang ang pagbaha sa kabila ng bilyun-bilyong pisong ginastos sa umano’y flood control na imprastraktura at walang napapanagot. Panahon na para panagutin ang dapat panagutin upang mabigyang hustisya ang mga nasalanta dahil sa kapabayaan o pandarambong.
Dapat nang palutangin ang mga salarin.