Julia Montes, pinaka-dakilang pag-ibig ni Coco Martin

alwin ignacio
Published on

Bumulaga sa social media sites ang larawan nina Julia Montes at Coco Martin kung saan ang magsing-irog ay nagbabakasyon sa Viva Espanya. Ito yung ang capital ay Madrid at hindi yung kalyeng palagiang traffic at itsurang nagiging Venice naman tuwing wet season kasi pangmalakasan ang pagbaha, huh!

Mala-pulot-pukyutan sa katamisan ang mga larawang magkasama ang magkasintahang Mara Schnittka (tunay na pangalan ni Montes) at Rodel Nacancieno (totoong pangalan ni Martin). Para sa mga sumusuporta at humahanga sa dalawa, siento porsiyentong ang bakasyon ng mga ito, may kasamang pulot gata, huh!

Lugod na lugod ang mga humahanga kay Tanggol, ang katauhan ni direk Rodel sa pangmalakasang “Batang Quiapo” kasi nga kahit gaano ito ka-busy, talagang naglalaan ang ginoo na meron silang quality time para sa rest at recreation kasama ang kanyang inamorata.

Siyempre pa, ang “Five Break Ups and A Romance,” ang isa sa tatlong pelikula na pumalo sa takilya nung nakaraang taon ay pinagbidahan ni Montes kasama si Alden Richards. Kaya marami ang umaasa na sa malapit na hinaharap ay may pelikula muli ito. Ang hiling ng mas nakakarami, eh sila naman ang magtambal ni Coco sa isang romantic drama na magpapakilig sa lahat pero ipapakita ang husay at igting nila Montes at Martin bilang mga artista.

Bagyong intriga na ang hinarap nina Julia Montes at Coco Martin kung ang relasyon at romansa nila ang pag-uusapan. Nung inilantad na nila sa publiko ang kanilang pagmamahalan, buhay patotoo ang dalawa na ang kanilang relasyon ay hindi lamang pang-promo, kundi subok na matibay, at talagang matatag. Kaya, ano pa nga ba ang susunod na kabanata para sa dalawang ito kundi ang mabuhay ang bagong kasal, hindi ba naman?

HILING ng mas nakakarami na magtambal ni Coco at Julia sa isang romantic drama.
HILING ng mas nakakarami na magtambal ni Coco at Julia sa isang romantic drama.LARAWAN MULA SA FACEBOOK

**

Pinalagan at pumiyok na si Miel Pangilinan, bunsong anak nina Megastar Sharon Cuneta at dating Senador Kiko Pangilinan, sa mga mean comment na talaga namang ayaw paawat na ipinupukol sa kanya.

Si Miel ay palagiang pinupuntirya sa social media ang kapatid ni Frankie Pangilinan. Todo ang body shaming kay Miel at ang kanyang pagiging queer, kasama rin sa panlalait. noong nakaraang eleksyon.

Pahayag ni Pangilinan sa isang social post: “Gen Z are so sensitive. I’m a fat gay person just existing look at my comments snowflakes!”

Aniya pa: “Old people calling me a waste of genes, constantly harassing me and insulting my appearance (I didn’t do anything and if I say something they’ll call ME the sensitive one.”

Pagtatapos niyang pahayag: “Trying to just kind of exist positively online and trying my best to stay my lane.”

Tama nga Miel na “best to stayt on your lane” ka dahil marami talagang kunyari ay perpekto at walang kakulangan ang mayorya na mga di kumikilos ayon sa kanilang ganda sa social media. Isama na rin diyan ang mga nakakainis na nagmamalinis pero marurumi rin naman. At ang batalyon at pangkat na ito, nagtatago sa mga di nila tunay na pangalan at mga larawang hindi mukha nila ang nakapaskel sa profile. Kaya di dapat patulan. Hindi dapat intindihin.

logo
Daily Tribune
tribune.net.ph