Chinese nagpanggap na Pinoy



Tinawag ni Senador Panfilo "Ping" Lacson noong Huwebes, 13 August, na mas masahol na bersyon ng pork barrel system ang…

Naglabas na ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa isang aktor at businessman na nahuling…
Isang guro ang dinukot sa bayan ng Maguing, Lanao del Sur.

Arestado ang isang 23-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Mariveles Municipal Police Station sa…

Hindi napigilan ni Lead Defense Counsel Sheila Sison na punahin ang umano'y "nakababahalang" post ni Private Prosecutor…
Iniulat ng Bureau of Immigration nitong nakaraan na isang lalaking Chinese na na-repatriate mula sa Myanmar matapos mabiktima ng human trafficking ang nagpakilalang Pinoy para sa Pilipinas ibalik sa halip na sa China.
Ayon sa BI, sinundo ng immigration officials ang biktima na si King -- hindi niya tunay na pangalan -- nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at nagpakilalang Pilipino.
Sa imbestigasyon, lumalabas na umalis ng Pilipinas ang 40-anyos na si King noong July 2023 patungong Thailand gamit ang Chinese passport, at may permanent residence visa sa ilalim ng RA 7919.
Inamin ni King na Chinese passport ang ginamit niya sa pag-alis dahil na rin sa payo umano ng kaniyang recruiter para makaiwas sa mga tanong tungkol sa pakay ng kaniyang biyahe.
Pagdating sa Thailand, tumawid sila ng ilog kasama ang tatlong iba pa patungong Myanmar. Isang buwan umano siyang nakatanggap ng sahod pero kinalaunan ay nakatanggap na siya ng mga parusa.
Nagawa niyang makaalis nang magbayad umano siya sa recruiter ng 20,000 baht o mahigit P32,000. Pero naaresto naman siya ng Thai immigration at nadetine ng tatlong buwan.
Sa takot na maipadeport sa China kung Chinese passport ang gagamitin niya, nagpanggap siyang Pilipino. Anim na buwan lang umano siya nang dalhin siya ng kaniyang ina sa Pilipinas, at hindi na raw muling bumalik ng China.
Permanent residence holder umano sa Pilipinas ang ina ni King, habang naturalized Filipino naman daw ang kaniyang ama.
Binigyan ng Philippine travel document ng Philippine Embassy sa Bangkok si King at ipina-deport sa Pilipinas.