

Hindi pala palakibo at talagang mahiyain si Denise Esteban noong wala pa siya sa showbiz.
Nakatulong nang malaki ang kanyang grupong PPop Generation para mawala ang hiya ni Denise. Mas lalong nawala ang kanyang hiya nang maging Vivamax star siya.
“Yung makipag-usap sa tao, ‘yung mga ganito, hindi po ako marunong. Hindi po ako marunong makipag-usap. Kumapal lang talaga ang mukha ko noong nag-perform ako sa Ppop Generation. Siguro doon na rin ako nanggaling. Nasanay na lang ako. Doon nabuo ang confidence ko sa sarili ko,” say niya sa presscon ng latest movie niyang “Hiraya.”
Nang matanong si Denise kung may kaugnayan ang pagkakaroon ng confidence sa pag-aartista ay sinabi niyang isa itong requirement.
“Kailangan po ‘yan sa showbiz, kapal ng mukha. Totoo po ‘yan. Kapag mahiyain, naku wala,” say niya.
“Kung wala kang confidence sa sarili, di mo mapapakita ‘yung character na gusto mong ipakita. ‘Ay, gusto ko itong gawin sa character kaso wala kang confidence. Nakita nila na gusto mong gawin,” dagdag pa ng Vivamax star na may maamong mukha at seksing pangangatawan.
Actually, mukhang inosenteng kolehiyala si Denise at ang ganda-ganda ng face niya kaya naman tiyak na marami ang mahuhumaling sa kanya.