Kontrobersya sa kambing



Naglabas si Bise Presidente Sara Duterte ng pahayag kaugnay ng ikaapat na araw ng kanyang impeachment trial.
Nananatiling nangunguna ang Pilipinas bilang pangunahing tagapagsuplay ng mga seafarer sa buong mundo, ayon sa 2026…

Sinagot ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro ang pahayag ni Davao City Mayor Baste…

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…
Tila nadawit ang National Dairy Authority sa kontrobersyang dala ng mga inangkat na kambing na nakitaan ng sakit na Q fever kalaunan. Kinailangang patayin ang mga nasabing kambing na may impeksyon upang hindi makahawa ng iba pang hayop o tao at magkaroon ng malawakang outbreak ng Q fever.
Ang sintomas ng Q fever, na sanhi ng isang bacteria, ay mataas na lagnat, sakit ng ulo, pagkalito, magang lalamunan, ginaw, pagpapawis, ubo, pagkahilo, pagsusuka, pagtatae, sakit sa tiyan at sakit sa dibdib. Maaring magamot ito sa antibiotic at mayroon ring bakuna upang hindi madapuan nito.
Pinabulaanan ng NDA na may kinalaman ito sa pag-aangkat ng mga kambing na pinatay tulad ng mga kumakalat sa Internet at umano’y pinag-uusapan ng mga nasa industriya.
Sinabi rin ng NDA na walang kambing sa mga kambingan na tinutulungan nito sa buong bansa ang tinamaan ng Q fever. Isang pasilidad sa pagpaparami ng kambing ng gobyerno sa Marinduque ang nakitaan ng Q fever.
Matapos ang unang kaso ng Q fever na kinumpirma ng Bureau of Animal Industry, dalawang dosenang angkat ng kambing na nasa Pampanga ang kinailangang patayin upang hindi kumalat ang Q fever sa ibang hayop o maging tao.
Ipinagbawal na rin ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng kambing mula sa Estados Unidos.
Nag-iimbestiga na rin ang DA upang kilatisin ang sitwasyon sa Q fever sa bansa.
Kung totoong nanggaling sa inangkat na kambing ang Q fever, marapat lamang na ihinto ang pag-aangkat nito. Kung tutuusin, hindi naman kailangang mag-angkat pa, liban kung kailangan ng ganoong lahi ng kambing upang maparami ang produksyon ng gatas ng kambing.
Sa panig naman ng NDA, hindi sapat ang sinabi nitong wala silang kinalaman sa pag-aangkat ng kambing na may Q fever. Kailangan itong mapatunayan sa lalong madaling panahon upang makatulong sa pagtunton sa mga may kinalaman sa kaso ng Q fever. Mahalaga ito upang makapaghanda ang mga kinauukulan sa peligrong dala ng nasabing sakit ng kambing.