Babaeng OFW pinatay sa sakal


Isang 27-anyos na overseas Filipino worker (OFW) ang sinakal hanggang sa mamatay ng kanyang live-in partner habang sila ay mainitang nagtatalo sa Malate, Maynila.
Kinilala ni Police Captain Dennis Turla, pinuno ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), ang biktima na si Flordeliza Talaro habang ang hinihinalang pumatay ay kinilalang si Jhunrey Bastasa.
Ayon sa mga imbestigador, nag-iinuman ang mag-asawa sa loob ng kanilang silid nang sumiklab ang pagtatalo dakong alas-8:40 ng gabi. Lumaki ang pagtatalo at sinakal umano ni Bastasa si Ondocon sa galit hanggang sa siya’s malagutan ng hininga.
Nananatiling nakakulong si Bastasa sa MPD Homicide Section at mahaharap sa kaso sa Manila City Prosecutor’s Office.
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…