
Marami ang nakapansin na kahawig ng Vivamax star na si Jenn Rosa ang dyowa ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera.
“Opo, marami ang nagsasabi sa akin na ‘alam mo may hawig ka kay Marian. Marami na ring nagsabi talaga noong hindi pa ako nag-aartista. Ang feeling ko nga po ay na-manifest ko, eh,” say ni Jenn sa isang interview.
Hindi pa nakikita ni Jenn si Marian pero aminado siyang idol niya ito. Kilig na kilig nga ang dalaga nang matanong siya kung ano ang sasabihin niya kapag nakita niya si Marian
“Sobrang idol kita. Ang ganda-ganda mo. Sabi ko nga kahit nahihiya ako at magpapa-picture ako sa kanya,” say ni Jenn.
Hindi na pala kailangang pilitin si Jenn na magpaseksi sa movie dahil feel na feel pala niyang magpaseksi noo pa.
“Ang tagal ko nang gustong magpaseksi talaga. Gusto ko sexy-sexy, ganyan, ganya. Hindi ko nga po talaga alam kung bakit. Gusto ko magpaseksi kaso di ako nakuha na model kasi medyo chubby ako dati,” say niya.
Matagal na palang gustong mag-artista ni Jenn kaya lang ay nagsara ang ABS-CBN at nagkaroon pa ng pandemya. Hindi niya talaga inakala na makakapasok pa siya sa showbiz.