Bagong silang na sanggol itinapon sa kanal


Iniulat ng mga otoridad nitong nakaraan na isang sanggol ang natagpuang nakasilid sa isang plastic sa isang kanal at wala nang buhay sa Tagum City, Davao del Norte.
Ayon sa mga ulat, bago natagpuan ang sanggol, isang 16-anyos na babae ang isinugod sa ospital dahil sa pagdurugo at natuklasan kalaunan na nanganak pala ang menor de edad, ngunit wala ang bata.
Sinabi ng pulisya na nakikipag-ugnayan na sila sa Social Welfare Department dahil menor de edad ang ina ng sanggol, na maaaring maharap sa reklamong infanticide.
Walang pahayag ang babae.
Samantala sa Santo Tomas, Batangas, nakita ang isa ring bagong silang na sanggol sa isang bakanteng lote at batay sa mga ulat, isang 25-anyos na babae ang nakakita sa sanggol at dinala ito sa barangay hall ng Santa Anastacia.
Nasa pangangalaga na ng health workers ang sanggol.
Hinala ng pulisya, posibleng ang babaeng nagdala sa sanggol sa barangay hall ang siya rin mismong ina nito. Hinahanap na ang naturang babae.
Malacañang questioned what will happen to the evidence gathered by the House prosecution panel on the alleged bribery…
Singapore penalizes bad public behavior. Transport authorities in the island state announced last month that public bus…
Authorities arrested 244 foreign nationals, mostly Chinese, during simultaneous operations against suspected illegal…
The Senate impeachment court’s decision to deny former Senator Antonio Trillanes a subpoena was a consensus reached by…