SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Vivamax babe Cess Garcia aminadong bisexual

Vivamax babe Cess Garcia aminadong bisexual
Published on

Bida si Cess Garcia sa Vivamax movie na “Linya” at sa kabila ng kaseksihan ay aminado itong hindi siya masyadong attracted sa guys. Kasabay nito ang pag-amin ni Cess na isa siyang bisexual.

“Hindi po ako ganun na-a-attract sa guy kasi I’m a bisexual,” say ng dalaga sa isang recent interview niya.

“Bisexual ako, oo, pero siguro na-a-attract lang ako sa kanya kapag sobrang caring niya, kapag nararamdaman ko na parang hindi siya katulad ng mga... ah basta, iyon na yun,” paliwanag ng dalaga.

CESS Garcia: Bisexual ako.
CESS Garcia: Bisexual ako.LARAWAN MULA SA FACEBOOK NI CESS GARCIA

When asked kung sino among Vivamax actresses siya attracted, ayaw magbigay ng pangalan ni Cess. Nahihiya siya kasi nakasama niya siya sa isang Vivamax movie. Nabaitan kasi siya sa kanya nang bigyan siya ng chair sa shooting nila.

Yes, Virginia, nagka-girlfriend na rin si Cess pero parang wala lang.

“Nagka-girlfriend ako pero hindi ko siya kino-consider na parang girlfriend,” say niya. Ito ay dahil walang intimacy na nangyari sa kanilang dalawa.

Ayon kay Cess, may takot siyang naramdaman nang umamin siya sa mom niya na isa siyang lesbian.

“Pero ang masasabi ko lang sa inyo na huwag kayong matakot sa kung sino kayo. Kasi kahit naman hindi ka lalaki or babae na talagang gustong maging ng mga magulang mo, kasi kahit ano naman yung gender mo, anak ka pa rin naman nila, e,” say ni Cess.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph