3 Pilipino sugatan dahil sa sunog sa Kuwait


Labing-isang Pilipino ang naiulat na nasaktan nang masunog ang isang gusali sa Kuwait nitong Miyerkules, ayon sa Department of Migrant Workers.
Sinabi kahapon ng kalihiim ng DMW na si Hans Leo Cacdac na dalawang overseas Filipino workers ang nasa kritikal na kondisyon dahil sa paglanghap ng usok mula sa sunog.
Tatlo ang namarkahang ligtas at lima ang nawawala, bagaman inaalam pa sa ospital ang kanilang status, dagdag ni Cacdac.
Samantala, tiniyak ni Cacdac na buong tulong ang ibibigay sa mga biktima at ang mga team mula sa DMW at ang Overseas Workers Welfare Administration ay inaasikaso na ang tulong.
Inabisuhan na rin ang pamilya ng mga biktima, aniya.
Idinagdag ng kalihim na ang gobyerno ng Kuwait at ang kumpanyang sangkot ay nakikipag-ugnayan din sa ahensya at nag-alok ng suporta sa mga apektadong OFW.
Nagsimula umano ang sunog sa gusali sa Mangaf sa kabisera ng Kuwait noong Miyerkules ng umaga mula sa isang kusina habang natutulog ang mga manggagawa.
Nasa 49 na ang bilang ng mga nasawi sa insidente habang mahigit 50 ang nasugatan. Hindi pa ipinahahayag ng mga kinauukulan ang nasyonalidad ng mga nasawi.
Ang mga ulat ng dayuhang media ay nagsasabi na ang gusali ay puno ng mga migrante na nahirapang makalabas sa nasusunog na gusali.
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…