
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Masigasig ang Ombudsman. Matapos suspindihin ang mahigit 60 opisyal sa Bohol dahil sa umano’y kapabayaan kung kaya natayuan ng resort ang bahagi ng Chocolate Hills kahit hindi ito pinahihintulutan ng batas, sinuspindi naman nito ang buong pwersa ng pulis sa bayan ng Bamban, Tarlac bilang bahagi ng imbestigasyon sa umano’y anomalya sa operasyon ng POGO roon.
Matindi ang anim na buwang suspensyon ng mga opisyal sa Bohol dahil kabilang dito ang gobernador. Pero matindi rin ang pagsuspindi sa 49 pulis ng Bamban, kabilang ang hepe, bagaman humalili sa kanila ang mga pulis sa mga istasyon ng ibang mga bayan at siyudad ng Tarlac.
Ang maramihang pagsuspindi ng mga opisyal at pulis ay dapat magsilbing babala sa iba pang kawani ng gobyerno na ang hindi nila pagpansin o pagtugon sa posibleng anomalyang nangyayari sa nasasakupan nila ay maaaring kapabayaan o pagkunsinti ng korapsyon at krimen.
Ang suspensyon ay umpisa pa lamang ng proseso para malaman kung may kapabayaan sila o sangkot talaga sa anomalya. Kung hindi naman at sila’y abswelto, ibabalik naman sila sa kanilang puwesto pati ang kanilang nasuspindi ring sweldo.
Dapat sana ay alam na ng mga kawani ng gobyerno na maaari silang madamay sa mga anomalyang hindi nila papansinin tulad ng pagtatayo ng resort sa Chocolate Hills na kitang-kita at halata naman ngunit wala sa kanila ang kumwestiyon at nagsuplong dito.
Sa kaso naman ng mga pulis ng Bamban, mapaghihinalaan silang sangkot sa ilegal na operasyon ng mga POGO sa bayan na iyon kung hindi sila alisto sa nangyayari sa kanilang paligid. Katulad nang sa kaso ng resort sa Chocolate Hills nah alata naman at nakikita, nakikita rin naman ng kapulisan ang kahinahinalang lahi ng alkalde nila na hinihinalang espiyang Intsik.
Malamang hindi lang mga pulis ng Bamban ang madadamay sa anomalyang kinasasangkutan ni Mayor Alice Guo. Posibleng mas malawak pa ang anomalyang ito lalo na kung mapapatunayang sangkot rin ang mga gumawa ng kanyang mga dokumento sa pagkakakilanlan tulad ng birth certificate at pasaporte.
Magandang magdamayan kung para sa kabutihan. Ngunit kung magkukuntsabahan para kumita ng maruming pera, damay-damay na yan pag umamin o magsumbong ang isa.