Comelec nagbabala laban sa mga manloloko



Tinawag ni Senador Panfilo "Ping" Lacson noong Huwebes, 13 August, na mas masahol na bersyon ng pork barrel system ang…

Naglabas na ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa isang aktor at businessman na nahuling…
Isang guro ang dinukot sa bayan ng Maguing, Lanao del Sur.

Arestado ang isang 23-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Mariveles Municipal Police Station sa…

Hindi napigilan ni Lead Defense Counsel Sheila Sison na punahin ang umano'y "nakababahalang" post ni Private Prosecutor…
Iginiit ng Commission on Elections na dapat umanong maaresto ang sinuman na nag-aalok sa mga nagnanais tumakbo sa eleksyon na manipulahin ang halalan sa susunod na taon.
Kasunod ito ng impormasyong natanggap ni Comelec chairperson George Erwin Garcia na mayroon umanong mga indibidwal at mga grupo ang nagsasabing kaya nilang panalunin ang isang kandidato kapalit ng pagbabayad ng P50 million hanggang P100 million dahil mayroon umano silang mga kontak sa poll body at service providers.
Ayon kay Garcia, maaaring kasuhan ang mga suspek ng estafa o fraud at election offenses.
Sinabi pa ni Garcia na ang nasabing mga indibidwal ay nagooperate karamihan sa Visayas at Mindanao.
Kaugnay nito, sinabi ng Comelec chairman na hiningi na nila ang tulong ng National Bureau of Investigation para makontrol ang ilegal na aktibidad.
Samantala, nanindigan naman ang opisyal na hindi maaaring ma-tamper ang resulta ng automated elections dahil ang mga kaso ng election fraud simula noong 2010 general election ay hindi pa napapatunayan.