
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Matapos ang sisid-marinong imbestigasyon sa ilalim ng West Philippine Sea, binuking na ng hukbong sandatahan ang dapat sanang sikretong reklamasyon na ginagawa ng nga Intsik roon. Tila nakita ng mga sumisid ang nasirang coral reefs ng Escoda Shoal, patunay na lumilikha ang mga dayuhan ng artipisyal na isla roon.
Simpleng pahayag na pinabubulaanan ang paratang ng Pilipinas ang inilabas ng Tsina na may kasama pang panlilinlang nang baligtarin nila ang sinasabi ng Pilipinas at pinaratangang nagsisinungaling ang ating bansa.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nanakop ng isla ng Pilipinas ang Tsina at nagtayo roon ng kampong militar. Ang Panganiban Reef na dating bahagi ng bayan ng Kalayaan ng Palawan ay sinakop ng Tsina noong 1995. Sinakop rin ng Tsina ang Panatag Shoal na dating bahagi ng Zambales noong 2012.
Tinayuan rin ng Tsina ang Mischief Reef ng kampo militar sa pamamagitan ng pananambak ng bato at lupa rito mula 2013 hanggang 2016.
Kung kaya naman gumawa ng Tsina ng artipisyal na isla sa inaangkin nilang karagatan, bakit pa nila kailangang manakop ng islang hindi naman kanila? Bakit hindi na lang nila diretsuhing tambakan ng bato at lupa ang bahagi ng dagat na nais nilang angkinin at tayuan ng kampo.
Hindi pa man nararatipikahan ng mga bansa ang kasunduan sa High Seas na inaprobahan ng United Nations noong 2023, tila nagmamadali ang Tsina sa pagtatayo ng kampo militar sa dagat bago maging ganap na batas ang kasunduan na magpapatupad ng sama-samang pamamahala ng mga bansa ang karagatan na hindi bahagi ng kanilang teritoryo o exclusive economic zone. Kabilang sa mandato ng mga raratipika sa nasabing kasunduan ang pangangalaga sa mga bahura sa high seas. Magkakaroon ng katwiran ang Tsina sa pananambak sa mga nakalubog na isla upang gawing artipisyal na pulo at matayuan ng kampo militar. At pag kampo militar na ang isla, magdadalawang isip na ang ibang bansa na tangkaing kunin ito dahil naglalakihang kanyon na nakatayo na roon ang haharapin nila.