
Nag-trending si Kim Chiu sa X dahil sa halikan nila ni Paulo Avelino sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim?”
Bigay-todo and dalawa sa kanilang kissing scene na nangyari sa loob ng closet. Grabe ang halikan at ang tingin ng netizens ay minukbang ng “It's Showtime” host na si Kim ang labi ni Paulo.
Talagang nasindak ang mga televiewers dahil natural na natural ang kissing scenes ng dalawa.
Sa isang Facebook page, ang daming nag-react at kinilig sa halikan ng dalawa.
“Nilelead pa din ni pau si kim HAHAHAH Base sa nakikita ko yung kamay sa leeg ni pau sya yung nagcocontrol HAHAHA."
“Hay naku msyadong ginalingan nman di ko inexpect,akl ko as gentle p din noong una..pano n s haus scene ni BMC.""Yung song 4ever ng nkaconnect s kiss nila..himlay ang fanmily.”
“Kiiiimmmmm di naka hinga si Paulo , sobrang galing mo humalik.”
“Liktik isang kiss lang pala ni sec. Kim makakawala ng trauma ni BMC sinulit na diin kung diin higop na higop pati tenga namumula na my god mapapadasal nalang sa kilig."
“Grabe kayo Kimpau, Sobrang kiligggg ko sa inyo.”
Actually, marami ang nag-ship sa dalawa nang una silang magsama sa “Linlang” bilang mag-asawa na nasira ang pagsasama dahil pinatulan ng character ni Kim ang bayaw niya na ginampanan ni JM de Guzman.
Noong mag-guest si Paulo sa “It's Show” recently, ang daming kinilig. Ganoon din ang nangyari nang magkasama sila sa ASAP kamakailan.