
Maraming netizens ang gulat na gulat nang malaman nilang nagtitinda ng halo-halo si Sarah Geronimo.
Surprised na surprised ang fans and followers ng singer-actress nang ma-experience nila na mismong si Sarah ang nag-serve sa kanila ng halo-halo. Located ang store ni Sarah at ng kanyang dyowang si Matteo Guidicelli sa kanilang G-Studio.
Base sa Tiktok video na aming napanood, mismong si Sarah ang nagse-serve ng halo-halo. Makikita mong siya ang naglalagay ng ingredients para sa kanilang mga customers. In fairness, ang daming pumila para lang matikman ang halo-halo ni Sarah.
Makikita sa video na aliw na aliw ang customers dahil nakikipagbiruan pa si Sarah sa kanila
Ang nakakaloka, may mga nagdududa na ang singer-actress nga ang nagtitinda ng halo-halo.
“Kahawig lng ..nagtitinda na agad .bago manira mag isip muna,” say ng isang ale.
“Amor Hassan sya Po Yan follow Po kayo safb Niya para update kayo . ng po promote sila ng green market promo po nla Yan Sarah Geronimo,” sagot ng isang faney.
May nag-bash kay Sarah at pinalalabas na naghihirap na daw ba ito kasi nga nagtitinda na siya ngayon..
“Eh Ano naman kung nagtinda sanay naman sa hirap yan Kaya nga mabait eh,” sabi ng fan ni Sarah.