Mga nakaparadang sasakyan sa NAIA nasunog

Mga nakaparadang sasakyan sa NAIA nasunog

Iniulat ng Manila International Airport Authority na nasunog ang nasa 19 na mga sasakyan na nakaparada sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 extension parking area nitong Lunes.

Batay sa mga ulat, inaalam pa ng Pasay Fire Bureau ang dahilan ng sunog.

Ayon naman kay MIAA acting general manager Eric Ines, wala umanong nasaktan sa nasabing insidente at hindi rin umano naapektuhan ang operasyon sa NAIA.

Iniutos rin ni Ines na maglalagay ng fire truck sa mga open parking area.

May mga tuyong damo rin sa parking area na pinaniniwalaan na nagpalala sa sitwasyon ng sunog.

Ayon sa ulat, nakikita umano ni Ines na aksidente at hindi sinadya ang nangyaring sunog.

Nilinaw din ng opisyal na pribadong concessionaire ang namamahala sa naturang pay parking area kung saan nangyari ang sunog.

Posible umanong nagmula ang apoy sa isang sasakyan at nakadamay ng iba pang sasakyan dahil sa hangin at tuyong damo sa lugar.

Natanggap umano ng MIAA ang impormasyon tungkol sa sunog bago mag-1:30 pm at naapula ang apoy bago mag-2 pm.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph