Skip to content
DYARYO TIRADA

Trabahador na-trap sa sunog, patay

Trabahador na-trap sa sunog, patay
Text size

Isang trabahador sa Barangay 176, North Caloocan ang naiulat na nasawi matapos ma-trap sa nasusunog na tindahan ng LPG nitong Biyernes.

Batay sa mga ulat, nakainom daw ang 25-anyos na biktima kaya hindi ito agad nakalabas.

Ayon kay Fire Senior Inspector Elyzer Rubel Leal ng Bureau of Fire Protection-Caloocan, umabot sa mahigit isang oras ang sunog bago tuluyang naapula. Bago ito, sunod-sunod na pagsabog ang maririnig sa lugar, dahilan para magpulasan ang mga residente.

Also read Jacq Buncio, inspirasyon ng mga babaeng riders

Tatlong bahay ang nadamay sa sunog.

Tinatayang aabot sa P200,000 ang naitalang halaga ng pinsala ng sunog sa istraktura.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.