Negosyante patay sa pamamaril



Arestado ang isang 23-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Mariveles Municipal Police Station sa…

Hindi napigilan ni Lead Defense Counsel Sheila Sison na punahin ang umano'y "nakababahalang" post ni Private Prosecutor…

Medyo nag-init ang Senate impeachment court sa sagutan nina private prosecutor Atty. Lorna Kapunan at defense counsel…

Siyento porsiyentong aprubado at go for gold ang pagtanggap ng parentals, kasama na diyan ang mga kapatid at kamg-anak…

Hindi pa rin papaawat ang bashers ni sports reporter Apple David kahit nagbanta na itong magkakaso!
Isang negosyante ang nasawi matapos itong pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa labas ng isang convenience store sa Bacolod City.
Batay sa mga kuha ng CCTV, makikita ang SUV ng biktima na nakatigil sa labas ng convenience store. Nakaparada naman sa likuran ng kaniyang sasakyan ang isang kotse at nang pasakay na sa kaniyang SUV ang biktima, dalawang salarin ang lumabas mula sa nakaparang kotse at pinagbabaril ang negosyante.
Kaagad na tumakas ang mga salarin, habang isinugod naman sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay.
Ayon kay Police Captain Francis Depasucat, hepe ng Police Station 4, may indikasyon na plinano ng mga salarin kung saan makakakuha ng pagkakataon para maitumba ang biktima.
Kabilang ang negosyo sa sinisilip ng mga awtoridad na posibleng motibo sa krimen.
Nakahanda naman ang barangay na makipagtulungan sa imbestigasyon para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin upang mabigyan ng hustisya ang biktima na residente rin sa kanilang lugar.