Babaeng dinukot nakaligtas



Arestado ang isang 23-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Mariveles Municipal Police Station sa…

Hindi napigilan ni Lead Defense Counsel Sheila Sison na punahin ang umano'y "nakababahalang" post ni Private Prosecutor…

Medyo nag-init ang Senate impeachment court sa sagutan nina private prosecutor Atty. Lorna Kapunan at defense counsel…

Siyento porsiyentong aprubado at go for gold ang pagtanggap ng parentals, kasama na diyan ang mga kapatid at kamg-anak…

Hindi pa rin papaawat ang bashers ni sports reporter Apple David kahit nagbanta na itong magkakaso!
Iniulat ng mga otoridad na isang 19-anyos na babaeng estudyante na hinihinalang dinukot ay natagpuan sa isang bakanteng lote na may balot pa ng packaging tape sa mukha habang nakagapos rin ang kamay at paa nito sa Zamboanga City.
Ayon sa mga ulat, gabi noong Lunes nang matagpuan sa Barangay Patalon ang biktima na nakasuot ang kaniyang uniporme sa eskuwelahan at nang makitaan pa ng buhay ay agad itong dinala ng mga opisyal ng barangay sa pagamutan para magamot.
Sinabi ng Zamboanga City Police Office, nagkaroon ng trauma ang biktima at kinailangang manatili sa ospital.
Batay umano sa salaylay ng biktima, naglalakad siya noong tanghali ng Lunes nang sapilitan siyang isakay ng ilang lalaki sa isang van sa Barangay San Roque.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.
Nanawagan din sila sa publiko huwag magpakalat ng maling impormasyon na maaaring magpalala sa traumang sinapit ng biktima.