Quiboloy hindi pa rin mahanap

Pastor Apollo Quiboloy
File photo
Inihayag ng Department of Justice na wala pa itong nakukuhang impormasyon kaugnay sa kinaroroonan ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay Justice Assistant Secretary at Spokesperson Atty. Mico Clavano, hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang paghahanap ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation sa pastor sa Davao City.
Dagdag pa niya, hindi kinikilala ng DOJ ang mga kondisyon ni Quiboloy bago ito sumuko sa mga otoridad dahil lahat umano ng mga Pilipino ay pantay-pantay sa mata ng batas.
Hindi rin umano angkop ang request na ito ng Pastor lalo na’t may mga kaso na itong nakabinbin sa korte.
Si Quiboloy ay nahaharap sa kaso ng Child and Sexual Abuse at qualified human trafficking.
Naglabas na rin ng Warrant of Arrest ang Davao RTC maging ang Pasig City RTC laban sa pastor.
