
Arestado ang isang 23-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Mariveles Municipal Police Station sa…

Hindi napigilan ni Lead Defense Counsel Sheila Sison na punahin ang umano'y "nakababahalang" post ni Private Prosecutor…

Medyo nag-init ang Senate impeachment court sa sagutan nina private prosecutor Atty. Lorna Kapunan at defense counsel…

Siyento porsiyentong aprubado at go for gold ang pagtanggap ng parentals, kasama na diyan ang mga kapatid at kamg-anak…

Hindi pa rin papaawat ang bashers ni sports reporter Apple David kahit nagbanta na itong magkakaso!
Isang 74-anyos na ginang ang namatay matapos umanong tagain ng kanyang sariling anak habang natutulog sa kanilang bahay sa Talisay, Batangas.
Batay sa mga ulat, sinabing natutulog sa sofa ang biktima nang bigla na lang pagtatagain ng suspek nitong Martes ng gabi sa Barangay Aya at ayon sa mga otoridad, matapos pagtatagain ang kaniyang ina, pinuntahan ng 38-anyos na suspek ang kalapit na bahay ng kaniyang pinsan at pinatataga rin ito, kasama ang dalawang anak.
Nang madinig ng mga kapitbahay ang paghingi ng tulong ng mga biktima, pinuntahan nila ang bahay at napilitan nang tumakas ang suspek. Naaresto naman ng mga otoridad ang suspek nitong Miyerkules ng umaga.
Sinabi ni Police Major Billy John Mactal, hepe ng Talisay Police Station a wala pang linaw kung bakit ginawa ng suspek ang krimen at wala rin umanong nabanggit ang mga biktima kung gumagamit ng ilegal na droga ang suspek.