Mamamaril nanlaban, todas

(File Photo)

(File Photo)

Naglabas si Bise Presidente Sara Duterte ng pahayag kaugnay ng ikaapat na araw ng kanyang impeachment trial.
Nananatiling nangunguna ang Pilipinas bilang pangunahing tagapagsuplay ng mga seafarer sa buong mundo, ayon sa 2026…

Sinagot ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro ang pahayag ni Davao City Mayor Baste…

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…
Patay ang isang lalaki na sinasabing nasa likod ng serye ng pamamaril sa Cagayan de Oro matapos niyang makipagbarilan sa mga pulis na aaresto sa kanya kahapon.
Nangyari ang barilan sa Barangay Nazareth kung saan ihahain sana ng mga pulis ang warrant of arrest laban kay Marlon Jumawan dahil sa umano’y pagpatay.
Unang nagpaputok umano si Jumawan sa mga pulis at nagtangkang tumakas. Gumanti naman ang mga operatiba at nagkaroon ng palitan ng putok na nagresulta sa pagkamatay ni Jumawan.
Sinabi ni Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) Spokesperson, Lt. Col. Evan Viñas, na lehitimo ang operasyon ng pulisya.
Idinagdag niya na si Jumawan ang umano'y may pananagutan sa kamakailang serye ng mga insidente ng pamamaril na pumukaw sa kapayapaan at kaayusan sa lungsod.