Kylie Verzosa may kasamang lalaki sa Japan?



Naglabas si Bise Presidente Sara Duterte ng pahayag kaugnay ng ikaapat na araw ng kanyang impeachment trial.
Nananatiling nangunguna ang Pilipinas bilang pangunahing tagapagsuplay ng mga seafarer sa buong mundo, ayon sa 2026…

Sinagot ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro ang pahayag ni Davao City Mayor Baste…

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…
Nag-post si Kylie Verzosa sa Instagram carousel ng kanyang paglalakbay sa Japan.
Makikita sa mga litrato ang giliw ni Kylie sa pamamasyal sa nasabing bansa.
Napansin ng mga tagahanga niya sa ikatlong larawan na may isang lalaking nakatalikod sa camera, at naglalakad patungo sa tila isang templo.
Nagkomento ang fan na si @luvkylieversoza, “kasama reveal.”
Simpleng sagot naman ng beauty queen, aktres at negosyante ay puting puso.
Si Kylie ay dating nakarelasyon ang aktor na si Jake Cuenca, ngunit naghiwalay sila noong 2022.
Noong 2023, sinabi niyang nakikipagrelasyon siya sa isang dayuhan at hindi taga-showbiz.
"Ito ay isang pribadong relasyon at ito ay mas mapayapa," sabi niya.
Tinanghal na Miss International si Kylie noong 2016. Isa siya sa mga bida sa Metro Manila Film Festival entry na “Penduko” na pinangungunahan ni Matteo Guidicelli.
Inilunsad niya ang kanyang shapewear brand na SOLA noong Pebrero, na tinawag niyang "isa pang dream come true."