Tricycle sumalpok sa trak, isa patay

(FILES) Police cordon
(FILES) Police cordonTED ALJIBE / AFP

Isa ang naitalang patay habang nasa tatlong katao naman ang naiulat na sugatan matapos umanong masagi ng isang pick-up truck ang sinasakyan nilang tricycle at bumangga sa nakasalubong na van sa Padre Garcia, Batangas.

Batay sa mga ulat, kita sa CCTV footage na halos magkasabay na binabagtas ng tricycle at pick-up ang kalsada sa Barangay San Felipe nitong Linggo ng hapon at nagtangka umanong mag-overtake ng trak kung kaya nasagi ang nito ang unahan ng tricycle.

Napunta ang tricycle sa kabilang bahagi ng linya at doon naman ito nabangga ng kasalubong na van.

Dinala sa ospital ang mga sakay ng tricycle pero hindi na nakaligtas ang isang pasahero nito. Sugatan naman ang driver ng tricycle at dalawa pa niyang pasahero.

“According dito sa driver ng [pickup] ay hindi rin niya namalayan na hind pa pala siya nakakalampas doon sa tricycle at sumabit doon sa kaniyang hulihang bahagi ang tricycle,” ayon kay Police Major Charles Fulanche, OIC, Padre Garcia Police Station.

Isa sa mga sakay ng tricycle ang napahampas umano ang ulo nang mabangga ng pick-up ng sidecar ng tricycle, sabi pa ni Fulanche.

Nasa kostudiya ng pulisya ang mga driver ng pick-up at van habang hinihintay pa ang kamag-anak ng nasawing biktima na manggagaling sa Bicol para makapag-usap ang makabilang partido.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph