
(File Photo)
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Inihayag ng kampo ni dating Negros Oriental Third District Representative Arnolfo Teves Jr. na handa ito sa pagdepensa laban sa mga ipinupukol na mga kaso laban sa dating mambabatas.
Hanggang ngayon kasi ay nahaharap ang dating kongresista sa patung-patong na kasong murder at frustrated murder kaugnay sa nangyaring pamamaslang kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo at iba pang mga indibidwal.
Ayon sa abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio, sa napipintong pagbabalik ng kaniyang kliyente sa bansa ay nakahanda raw ang kanilang kampo sa anumang bagay.
Dagdag pa niya, kahit naman daw kasi maibalik na sa Pilipinas ang arestadong dating kongresista ay magkakaroon pa rin umano ng trial kung saan magkakaalaman aniya kung ano-anong mga ebidensya ang ilalatag laban sa kaniyang kliyente.
Kung matatandaan, nauna nang sinabi ni Topacio na tuloy ang magiging pagdinig sa kaso ni Teves at pagkalipas pang 15 araw ay magpapatuloy ay saka pa lamang malalaman ang disposition kay Teves habang kasalukuyan pang bineberipika ng pamahalaan ang kahilingan ng Pilipinas at International Criminal Police Organization para sa kaniyang kustodiya.
Nitong nakaraan ay naaresto si Teves sa Timor Leste batay sa inilabas na red notice ng Interpol laban sa kaniya noong Pebrero 2024.
Samantala, iniulat ng National Bureau of Investigation na gusto ng pangulo ng Timor Leste na si Jose Ramos Horta na kagaad maibalik sa Pilipinas si Teves.
Iyon umano ang naging resulta na kanilang pagpupulong sa mga naturang Timorese leader.
Nakipagpulong kasi si NBI director Medardo de Lomos sa naturang Timorese leader matapos ang matagumpay na pagkakaaresto kay Teves.
Sa isang pahayag ay sinabi ng NBI na sa kanilang pakikipagpulong sa naturang presidente ng nasabing bansa na ipinaabot nito ang kaniyang kagustuhan na maresolba na sa lalong madaling panahon ang mga kasong kinakaharap ni Teves na nagbibigay-diin naman sa kahalagahan ng mabilis na deportation nito pabalik sa Pilipinas.
Ayon kay de Lemos, kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan sa ngayon sa mga Dili authorities ang NBI para sa pagpoproseso ng deportation ng dating mamba batas sa kabila naman ng mga naging pahayag ng abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio na baka mga-extend pa raw ang pagpoproseso nito.
Samantala, bukod dito ay nagpahayag naman ng pasasalamat ang NBI sa mabilis na aksyon ng gobyerno ng Timor Leste sa pagtulong sa ating bansa na arestuhin si Teves na nagtatago sa kanilang bansa.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…