
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Isang restobar sa Silang, Cavite ang sinalakay ng mga otoridad matapos mapag-alaman na ginagawa umanong front ng prostitusyon ang nasabing establisiyimento.
Aabot sa 18 babae ang nailigtas ng mga otoridad habang dinampot naman ang mga tauhan ng restobar kabilang ang mga waiter at ang floor manager nito.
"Prior doon sa incident na nangyari noong gabi, naka-receive ng information ang hepe namin regarding sa illegal activities na nagaganap sa isang specific restobar dito sa San Vicente, Silang, Cavite," sabi ng imbestigador na si Police Staff Sergeant Valerie Frias.
"Doon nga po ay na-discover nila na nagkakaroon dito ng involvement ng mga babae tungkol sa prostitusyon kaya nagkasa sila ng operation," dagdag pa niya.
Samantal tumangging magbigay ng pahayag ang mga na-rescue na babae. Nakatakda silang isa-isahin ng Women and Children Protection Desk para alamin ang kanilang profile.
Samantala, mahaharap naman sa reklamong human trafficking ang mga inarestong tauhan ng restobar.
Napag-alamang dati nang ipinasara ang restobar at tinanggalan ng lisensiya ngunit patuloy itong nag-operate.
"Ang paalam po kasi nila ay resto, kainan. Tapos nadiskubre na ganyan pala, mayroon silang inside job," saad ni Evelyn Kubol, isang social worker ng barangay.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…