
(AFP File Photo)
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Iniulat ng mga otoridad nitong Huwebes na isang pagnanakaw na isasagawa sana ng mga akyat-bahay gang ang nasawata matapos silang mahuli mismo ng may-ari na live pala silang pinapanood sa pamamagitan ng CCTV sa Naga City, Camarines Sur.
Ayon sa mga ulat, namataan ang dalawang lalaki sa labas ng isang bahay pasado alas-kuwatro ng madaling araw at makalipas ang ilang saglit, nakapasok na sila sa target nilang bahay.
Tila napansin agad nila ang CCTV ng bahay kaya naghubad ng damit ang isa sa mga lalaki at ginamit niya itong pantakip ng mukha habang nag-hoodie naman ang kasamahan nitong lalaki, na nagtungo noon sa ikalawang palapag ng bahay.
Pinatay pa ng mga nanloob ang ilaw, habang isa sa kanila ang gumamit ng flashlight upang tingnan ang mga gamit sa sala.
Ilang saglit pa, nagsalita sa CCTV ang may-ari ng bahay, na live palang pinanonood ang mga lalaki at nang mapagtanto ng isa sa kanila na boses ng may-ari ang kaniyang narinig, tinawag niya ang kasamahan at doon na sila kumaripas ng takbo.
Isang combat engineer ng militar sa Amerika ang lalaking nagsalita sa CCTV, at naa-access ito sa tulong ng internet.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…