Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Inihayag ng National Water Resources Board nitong Martes na maaari umanong mabawasan ang alokasyon sa supply ng tubig sa mga consumer sa Metro Manila dahil umano sa patuloy na pagbaba ng level ng tubig sa Angat Dam dahil sa nararanasang tag-init sa bansa.
Ayon sa NWRB, ipatutupad ito sakaling magpatuloy ang kakulangan ng pag-ulan sa Angat watershed at dagdag nito, tinututukan rin ng ahensya ang naturang Dam dahil malapit na itong sumagad sa 200 meter water elevation.
Bagsak na rin umano ito mula sa 212 meters na normal high water elevation.
Sinabi rin ng ahensya na sa mga sandaling ito ay nananatiling 50 cubic meters ang alokasyon ng tubig ng Angat Dam sa buong Metro Manila at ito ay hanggang Abril a kinse na lamang.
Plano naman nila itong ibaba sa 48 cubic meters water allocation sa Abril 16.
Samantala, iniulat ng Department of Agriculture na umakyat pa sa P1.75-billion ang halaga ng pinsalang tinamo ng sektor nang dahil sa matinding init ng panahong nararanasan ngayon.
Ayon kay DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, nasa walong rehiyon ang kasalukuyang dumadanas ngayon ng dry spell kabilang na ang Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Soccksargen.
Sa datos, lumalabas na nasa kabuuang 32,231 hectares naman ng sakahan, at 29,437 na mga magsasaka rin ang apektado nang nararanasan dry spell sa bansa.
Sa ngayon ay nasa 48,332 metric tonnes ng bigas, 18,966 metric tonnes ng mais, at 7,794 metric tonnes ng mga high-value crops ang naitalang production loss ng DA nang dahil pa rin sa epekto ng El Nino phenomenon sa Pilipinas.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…