
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Isang tricycle driver ang nasawi matapos pagbabarilin ng isang riding-in-tandem sa Tondo, Maynila.
Nahagip ng CCTV sa Yuseco Street ang pagdaan ng dalawang lalaki na lulan ng isang motorsiklo at matapos nito ay bumunot ng baril ang angkas at ilang beses pinaputukan ang isang tricycle driver.
“Nung time na ‘yun nandoon ako sa bahay namin. Nakarinig na lang kami ng putok,” saad ni Ricardo Namit, kagawad ng Barangay 222 Zone 21. “Nung pumunta kami, ayun, nakabulagta na ‘yung tao.”
Mismong tatay ng biktima na isa ring tricycle driver ang dumating at nagsugod sa kanya sa pagamutan. Gayunman, hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima.
“Tahimik naman ‘yun eh, ano magmula nung mag asawa nga, nanahimik na siya. Hanapbuhay na lang, motor na lang siya nang motor,” dagdag ni Namit.
Makikita rin sa CCTV footage na bago ang pamamaril, dumaan pa mismo sa tapat ng barangay ang mga suspek.
Ayon sa Manila Police District, patuloy ang kanilang gagawing pag che-checkpoint para matugunan ang mga insidente ng krimen sa Kamaynilaan.
“Pagkaalam po namin ng pangyayari ay agad-agad pong itinawag ang pangyayari sa MPD-District Tactical Operations Center para mag-conduct ng simultaneous dragnet operation,” sabi ni Police Major Hanz Jose ng MPD.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…