DOH naalarma sa dami ng may TB

Herbosa

Herbosa

Naglabas si Bise Presidente Sara Duterte ng pahayag kaugnay ng ikaapat na araw ng kanyang impeachment trial.
Nananatiling nangunguna ang Pilipinas bilang pangunahing tagapagsuplay ng mga seafarer sa buong mundo, ayon sa 2026…

Sinagot ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro ang pahayag ni Davao City Mayor Baste…

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…
Inihayag ni Health Secretary Ted Herbosa kahapon na nakababahala ang naitalang bilang ng impeksyon sa tuberculosis sa Pilipinas noong 2023.
Pumalo sa 612,534 ang mga bagong kaso ng naturang sakit sab aga noong nakaraang taon.
Sa isang press conference, iniulat ni Herbosa na noong 2023 ay nagtala ang bansa ng 549 na kaso ng TB kada 100,000 na populasyon kumpara sa 439 na kaso bawat 100,000 na populasyon noong 2022.
“Sa loob ng limang taon, aktwal na natukoy namin ang humigit-kumulang 2.1 milyong kaso—maikli sa aming target na 2.5 milyon. Noong Disyembre 31, 2023, ang aming mga bagong kaso ay nasa 612,534,” aniya.
Sinabi rin ni Herbosa na 10,426 katao na may TB ang naiulat na namatay batay sa datos na mula sa Integrated Tuberculosis Information System. Gayunman, nilinaw niya na hindi lahat sa kanila ay namatay dahil sa nakakahawang sakit.
Kinikilala din ni Herbosa na ang TB ay hindi lamang isang isyu sa kalusugan sa bansa, ngunit isang problema sa socioeconomic dahil nakakaapekto ito sa mas maraming mahihirap.
Dahil dito, layunin daw ni Herbosa na wakasan ang TB sa Pilipinas pagdating ng taong 2030, ngunit dahil endemic na ang sakit sa bansa, gusto niyang mas pagtuunan ng pansin ang pagkakaroon ng 100 porsyento ng mga may tuberculosis na masuri.
Ang pangalawang layunin, dagdag niya, ay magkaroon ng 99 porsyento ng mga na-diagnose na makakuha ng sapat na gamot.
Binigyang-diin din ng kalihim ang pangangailangan para sa pag-iwas sa sakit sa sandaling lumabas ang mga bakuna sa 2028, o sa pamamagitan ng paggamot sa lahat ng miyembro ng pamilya na nakalantad sa isang sambahayan.
“Ang aking target ay hindi alisin ang TB dahil imposible iyon sa panahon ng aking termino hanggang 2028 ngunit sisiguraduhin kong ang bawat taong may pulmonary TB ay makakakuha ng gamot at hindi mamamatay sa tuberculosis,” sabi ni Herbosa.
Noong nakaraang taon, sinabi ni Herbosa na hinahangad niyang maalis ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang may pinakamataas na bilang ng kaso ng TB sa pagtatapos ng kanyang termino.
Aniya, kabilang sa mga dahilan kung bakit mataas ang bilang ng mga kaso ng TB sa bansa ay ang logistics at supply chain management, kung saan ang mga gamot ay hindi kaagad naihatid sa mga health center at klinika.
Ayon sa World Health Organization, ang TB ay isang nakakahawang sakit na kadalasang nakakaapekto sa baga at kumakalat sa pamamagitan ng hangin kapag umuubo, bumahing, o dumura ang mga taong may impeksyon.
Kabilang sa mga karaniwang sintomas ng TB ang matagal na ubo, pananakit ng dibdib, pagkapagod, lagnat, at pagbaba ng timbang.