Skip to content
DYARYO TIRADA

Magkapatid tiklo sa shabu

Magkapatid tiklo sa shabu
Text size

Kalaboso ang bagsak ng dalawang magkapatid na babae matapos umanong itago ang hinihinalang shabu sa maselang bahagi ng kanilang katawan at tinangkang ipuslit ito sa Antipolo City Jail.

Ayon sa mga ulat, sinabing inilagay ng babaeng magkapatid ang ipinagbabawal na gamot sa loob ng condom bago itinago sa loob ng maselang bahagi ng kanilang katawan.

Nasabat sa kanila ang humigit kumulang 200 gramo ng hinihinalang shabu bandang 4 p.m.

Sinabi ng mga otoridad na nakatanggap ng impormasyon ang warden na may ipapasok na ilegal na droga ngunit hindi alam kung kanino, kaya hinigpitan nila ang mga dalaw hanggang sa makitaan nga ang dalawang babaeng magkapatid ng “irregularities” sa kanilang mga kilos at ininspeksiyon sila ng babaeng taga-BJMP.

Dito nadiskubre ang dala nilang humigit kumulang na 250 gramo ng shabu na aabot sa P1.36 milyon ang halaga.

Itinanggi ng mga arestado ang ibinibintang sa kanila.

Samantala, nakuhanan din ng droga ang isang grupo ng mga lalaki na unang sinita ng pulisya dahil sa pagsusugal ng tong-its sa Barangay San Isidro. Nakuha sa kanila ang limang sachet ng hinihinalang shabu.