Car wash boy napatay ng pedicab driver


Patay ang isang 21-anyos na car wash boy nang saksakin siya ng dalawang nag-aaway na pedicab driver Biyernes ng gabi sa Tondo, Maynila.
Ang biktima na kinilalang si Marvin Christian Bustillo, residente ng 223 CM Recto Avenue, Tondo, ay binawian ng buhay dahil sa mga saksak sa dibdib habang ginagamot sa Gat. Andres Memorial Medical Center.
Ang mga salarin na tumakas matapos ang pananaksak ay nakilala lamang sa pangalang Julius at Julie.
Batay sa imbestigasyon ni PSMS Niño Baladjay ng Manila Police District-Homicide Section, alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente.
Nabatid na bago sinaksak si Bustillo, nakipag-away ang suspek na si Ronnie delos Santos, 49, residente ng Isla Puting Bato sa isa pang pedicab driver na nakikipag-inuman sa isang grupo.
Sa pagitan ng pagtatalo, bumunot si Delos Santos ng kutsilyo ngunit nakialam si Bustillo at sinubukang pigilan siya.
Itinutok ni Delos Santos ang kanyang kutsilyo sa kanyang karibal ngunit umilag siya at si Bustillo ang tinamaan.
Agad na isinugod sa GABMMC ang duguang Bustillo ngunit binawian siya ng buhay habang ginagamot sa emergency room.
Two Lasallian campuses faced security threats Thursday, adding to a growing string of school scares that has continued…
Some couples regard a public marriage proposal as romantic. A pair in China decided to do it during the concert of a…
Tulfo advised the prosecution panel to be more mindful of the lawyers it assigns to present witnesses to keep the…
The attempt to sabotage a flydubai airlines flight may have been intended not only to endanger its 174 passengers but…