Ginang tinaga na, pinugutan pa


Iniulat ng mga otoridad na isang 54-anyos na ginang ang nasawi matapos pagtatagain ng kanyang bayaw at nang hindi pa nakuntento ay pinugutan pa ito sa Goa, Camarines Sur.
Ayon sa mga ulat, sinabing inihagis pa ng suspek ang ulo ng biktima ng ilang metro ang layo mula sa katawan nito.
Sinabi ni Police Major Rodolfo Borromeo, hepe ng Goa Municipal Police Station, sumuko ang 44-anyos na suspek matapos gawin ang karumal-dumal na krimen.
Lumilitaw na away sa lupa ang ugat ng galit ng suspek sa biktima.
Ayon sa suspek, gusto umano ng biktima na kunin ang lupa ng kanilang ama na dapat ay paghahatian nilang 11 magkakapatid.
Sinabi pa ng suspek na ang biktima umano ang lumapit sa kaniya na may hawak na itak. Nilabanan daw niya ito dahil na rin sa kaniyang labis na galit.
Ang pamilya ng biktima, hindi pa nagbigay ng pahayag habang inaasikaso ang pagsasampa ng kaso laban sa suspek, ayon sa ulat.
Tulfo advised the prosecution panel to be more mindful of the lawyers it assigns to present witnesses to keep the…
The audit identified 366 PPE items below CoA’s P50,000 capitalization threshold, including 195 items assigned a nominal…
The attempt to sabotage a flydubai airlines flight may have been intended not only to endanger its 174 passengers but…