
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Ang pagsiklab ng isang sunog sa isang bahay sa Taytay, Rizal ay nagbunga nang pagkasawi ng tatlong magkakapatid na senior citizens nitong Linggo ng gabi.
Batay sa mga paunang ulat, nakalabas na umano ng nasusunog nilang bahay ang dalawa sa tatlong magkakapatid subalit bumalik silang muli sa loob upang iligtas ang isa nilang kapatid na may kapansanan.
Pawang mga babae ang mga biktima, na nakatira sa Kilometer 36 sa Barangay Dolores.
Ayon sa Bureau of Fire Protection-Taytay, mabilis na gumapang ang apoy mula sa isang bahay patungo sa dalawang bahay na katabi nito.
Naapula ang sunog na nagsimula dakong 9:00 pm makalipas ang isang oras.
"Nahirapan po ang mga bumbero natin kasi bawat tapak nila sa tubig at sa yero, nakukuryente po sila, pati rin po ako, kasi po kami ang mga first responder. Yung wire nakadikit sa bakal," sabi ni BFP Taytay Fire Officer 1 John Randolph Baldonado.
Ayon sa mga kaanak, nakalabas na ng bahay ang dalawang biktima, pero bumalik para tulungan ang isa nilang kapatid na naiwan na may kapansanan.
Sa kasamaang-palad, hindi na nakalabas ng bahay ang tatlong magkapapatid.
Iniimbestigahan pa ng BFP ang pinagmulan ng sunog.
Muli namang nagpaalala ang BFP na mag-ingat para maiwasan ang sunog.
"Remind ko lang po sa publiko na iwasan nating iwanan na nakasaksak at naka-on 'yung ating mga appliances. Kadalasan kasi, 'yon ang mga sanhi ng sunog natin. Kagaya rin po ng pagluluto natin, huwag rin po nating iiwanan. 'Yon po ang madalas na sanhi ng sunog dito sa Taytay," ayon kay Baldonado.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…