
Image from pexels.com
Isang hindi pinangalanang piloto ng United States Air Force ang nagsunog sa sarili sa labas ng embahada ng Israel sa Washington noong Linggo bilang protesta sa pagtulong ng US sa opensiba ng pwersang Israel sa Gaza.
Sa live video ng nakagigimbal na pagpapakamatay na unang lumabas sa social media platform na Twitch, makikita ang lalaki na nagsaboy ng gasolina sa sarili at nagdeklarang "hindi siya magiging kasabwat sa genocide."
Sumunod ay sumigaw siya ng “Palayain ang Palestine” bago niya silaban ang sarili.
Ilang segundo pa ay bumagsak ang nasusunog na lalaking nakasuot ng military fatigues. Sumugod ang mga emergency responders sa kanya matapos silang tawagan, ayon sa mga bumbero.
Isinugod ang biktima sa isang ospital.
Sinabi ng isang tagapagsalita ng Air Force noong Lunes ng umaga na siya ay namatay Linggo ng gabi.
Ang insidente ay isang pagtitindi ng mga protesta sa buong Estados Unidos laban sa mga digmaan sa Gaza, kung saan sinusuportan ng bansa ang kaalyadong Israel sa umano’y paghihiganti sa pag-atake ng mga teroristang Palestino sa Israel noong Oktubre 7.