
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Kalaboso ang bagsak ng isang Pilipinong college teacher matapos itong arestuhin ng mga otoridad sa Raleigh-Durham International Airport sa North Carolina dahil sa umano'y pagkakasangkot sa child pornography.
Ayon sa Halifax County Sheriff's Office, naghihintay ng kaniyang flight patungong Japan ang suspek na kinilalang si Jestoni Jumaquio Pestaño nitong Sabado nang dakpin siya ng mga tauhan ng Homeland Security at airport police.
Dinala si Pestaño sa Halifax County Sheriff's Office, kung saan isinilbi sa kaniya ang warrant para sa Felony Second Degree Sexual Exploitation of a Minor.
Walang inirekomendang piyansa kay Pestaño na dinala sa Halifax County Detention Center dahil itinuturing siyang "flight risk."
Nakasaad sa pahayag na nitong February 15, 2024, nakatanggap ng impormasyon ang Halifax County Sheriff's Office's Criminal Investigations Division, tungkol sa child pornography na ipinadala sa Halifax County via Instagram patungo sa isang user sa Pilipinas.
Nang magsagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad, natunton nila ang pinagmulan ng malalaswang larawan ng menor de edad na nagmula sa isang local IP address. Kinalaunan, natukoy bilang suspek si Pestaño, na nagtuturo sa Halifax County Early College.
Naglabas din ng mga search warrant para halughugin ang opisina at bahay ni Pestaño. Patuloy pa ang imbestigasyon ng otoridad tungkol sa kaso.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…