
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Inaresto ng mga otoridad ang isang delivery rider dahil umano sa pagbebenta ng hinihinalang droga sa Quezon City at nakuha mula sa kaniya ang mahigit P200,000 halaga ng hinihinalang shabu.
Nadakip umano ang 28-anyos na suspek sa isinagawang drug buy bust operation sa Barangay Commonwealth at ayon sa mga otoridad, Enero lamang nagsimulang magtulak ang suspek.
Nag-ugat ang operasyon ng mga awtoridad matapos magsumbong ang mga concerned citizen sa barangay na may isang bagong pusher sa kanilang lugar.
Nakuha mula sa suspek ang nasa 30 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P204,000 pero dagdag ng pulisya, higit pa rito ang kayang ibenta ng lalaki.
Patuloy na inaalam ng pulisya kung sino ang nagbabagsak ng droga sa suspek.
Sinampahan na ang suspek ng reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…