Fast craft crew tinamaan ng propeller

Isang kawani ng fast craft sa Tagbilaran City sa Bohol province ang nasawi matapo umano itong matamaan ng propeller ng sea vessel nang mahulog ito sa dagat nitong nakaraan.
Ayon sa mga ulat, nagkalasog-lasog ang katawan ng biktima nang matamaan ito ng propeller.
Sa mga kuha ng video, mapapanood na tulong-tulong sa paghahanap ang mga sakay ng isang life boat sa dagat malapit sa isang daungan.
Ilang saglit lang, iniangat ng mga tumutulong ang isang sako, na naglalaman pala ng parte ng katawan ng tao.
Base sa mga otoridad, katawan ito ng biktimang nahulog. Hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon kaugnay sa pangyayari.
