
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Magkakaroon ng bonus ang mga Pilipinong nurse sa Singapore na nagtatrabaho na ng apat na taon o higit pa mula sa pamahalaan ng Singapore na aabot sa SGD$100-K o higit 4 million pesos para sa mga nurse nito upang mapanatili ang kanilang pagta-trabaho sa public health system ng bansa.
Mayroon na kasing shortage ng mga nurse sa Singapore at bumibilis umano ang kanilang aging population dahil sa falling birthrates ng bansa.
Ayon kay Singaporean Health Minister Ong Ye Kung, aabot sa 29-K nurses ang makatatanggap ng bonus na makukuha nila sa kada apat hanggang anim na taon.
Nitong nakaraang taon lang ay inilunsad ng Singapore ang sign-on bonus na nagkakalahaga ng SGD$15-K o 624-K pesos para sa mga fresh nursing graduates na magta-trabaho sa public hospitals o clinics.
Kabilang sa makatatanggap ng bonus ang mga foreign nurses na nakapagsilbi na ng apat na taon sa public healthcare ng Singapore.
Karamihan sa kanilang foreign nurses ay nagmula sa mga karatig bansa nito tulad ng Malaysia, Myanmar, at Pilipinas.
Magsisimulang makatanggap ng bonus ang mga nurse edad 46 pataas bago matapos ang taon habang sa 2028 naman ibabahagi ang para sa 45 pababa.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…