Lampas 5K HVI naaresto ng PDEA


The attempt to sabotage a flydubai airlines flight may have been intended not only to endanger its 174 passengers but…
The audit identified 366 PPE items below CoA’s P50,000 capitalization threshold, including 195 items assigned a nominal…
Two Lasallian campuses faced security threats Thursday, adding to a growing string of school scares that has continued…
Some couples regard a public marriage proposal as romantic. A pair in China decided to do it during the concert of a…
Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency nitong Huwebes na pumalo na sa mahigit 5,000 ang bilang ng mga drug high-value targets na naaresto sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa pinakahuling ulat na inilabas ng PDEA, nasa kabuuang 5,366 na mga high-value targets ang natimbog ng mga otoridad mula noong Hulyo 1, 2022 hanggang Enero 31, 2024 at ang mga ito ay kabilang sa 79,841 na mga drug suspects na nahuli ng mga operatiba mula sa 58,496 operations na kanilang ikinasa.
Mula sa naturang operasyon ay nasabat din ng mga otoridad ang iba’t-ibang uri ng ilegal na droga na kinabibilangan ng 4,317.46kg na shabu, 50.47kg na cocaine, 54,13 piraso ng ecstasy tablets, at 3,197.19kg ng marijuana.
Samantala, kaugnay nito ay aabot din sa P32-billion na halaga ng mga narcotics ang nakalap ng mga otoridad mula sa naturang mga operasyon.