Rider patay sa salpukan


Isang rider ang nasawi matapos nitong sumalpok sa isang multi-purpose vehicle o MPV sa Pasig City noong Martes ng umaga.
Ayon sa mga ulat, nangyari ang insidente sa Amang Rodriguez Avenue habang hindi pa mabigat ang daloy ng trapiko at sa kuha ng CCTV camera sa lugar na pinangyarihan ng aksidente, makikita na papaliko ang MPV nang bumangga ang motorsiklo na nasa tamang linya.
Sa lakas ng pagkakabangga, nabasag ang windshield ng MPV, at nawasak din ang unahang bahagi nito, pati ang motorsiklo ng biktima.
“Nagulat itong (biktima) na hindi niya inaasahan siguro na itong (MPV) ay kakaliwa kaya hindi siya nakapag-react makapagpreno,” sabi ni Police Major Loreto Tigno ng Pasig City police.
Inabot pa ng tatlong oras bago na-”clear” ng mga awtoridad ang lugar dahil hindi umano kaagad na i-report sa pulisya ang insidente.
“In 12 years of service, ngayon lang ako nakakita na naiwan sa hood (ang biktima),” ayon sa traffic enforcer na si Jamsel Cuyson.
Ayon sa kaibigan ng biktima, galing Ortigas ang rider at naghatid ng anak na nagtatrabaho.
“Pauwi na ho ‘yan, ‘yan ang nangyari,” saad niya.
Sinabi ng ilang saksi na nakarinig sila ng malakas na ingay na parang bomba nang mangyari ang banggaan.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…